Intro: - - }x2
Verse I:
Gusto ko, gusto ko, gusto ko sanang sabihin sa iyo
Pero paano, paano pag malapit ka ay nauutal ako
Nahihiya, tumitiklop nawawala bigla ang sasabihin ko
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho
Chorus:
Siguro'y umiibig kahit 'di mo napapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip 'kaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko parang ayaw ko nang magising
Verse II:
Ayaw ko, ayaw ko, ayaw ko sanang magmukhang tanga sa'yo
Pero nalilito, nalilito ang sasabihin ay nabubuhol ang dila ko
At tulala na lang sa'yo ano ba naman bakit laging ganito
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho
(Repeat Chorus)
Bridge:
Parang wala ng mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw parang lalong lumalala
Bakit ba sa'yo hindi nagsasawa
Aasa na lang kahit sa pangarap lang...
(Repeat Chorus)
Kahit umiibig kahit 'di mo napapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip 'kaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko parang ayaw ko nang magising...
Outro: - - -