PASKO SA PINAS
Yeng Constantino
Intro:
Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama’t
Ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana’y nagniningning
Ibang mukha ng saya
Himig ng pasko’y nadarama ko na
Chorus:
May tatalo pa ba sa pasko ng pinas?
Ang kaligayaha nati’y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta’t tayo’y magkakasama
Ibang-iba talaga ang pasko sa pinas
Repeat Chorus