Verse:
Pikit mata nagtatanong
Ng sagot sa bakit
Pikit mata lumuluha
Di maintindihan puno ng pait
Refrain:
Parang walang nakikinig
Dyan ka nagkakamali
Chorus:
Lapit sa akin
At huwag matakot ka
Papawiin ang luha
Ulan ay titila na
Kahit sabihin mo na
Di na kaya
Araw ay sisikat
May bagong liwanag
Di ka nagiisa