Intro: - - (4x)
Verse:
Wag ka munang magalit
ako sana'y pakinggan,
di ko balak ang ika'y saktan
hindi ikaw ang problema
wala akong iba
di tulad nang iyong hinala
Refrain:
sarili ay di maintindihan
hindi ko malaman, ano ba ang dahilan
ng pansamantalang paghingi ko nang kalayaan
minamahal kita pero kailangan ko lang mag-isa
Chorus:
huwag mong isipin na
hindi ka na mahal, sarili ko'y hahanapin ko lang
at ang panahon at ang oras
nang aking pagkawala
(intro)
ay para rin sa ating dalawa..
Verse:
wag ka sanang lumuha
sana'y intindihin ito ang dapat nating gawin
upang magkakilala pa at malaman kung tayo
ay para sa isa't-isa
Refrain:
wag mong pigilin ang damdamin
sa aking pagkawala
makahanap ka bigla nang iba
ngunit pakatatandaan
na mahal pa rin kita
pero kailangan ko lang mag-isa
(repeat refrain 1)
(repeat chorus)