Intro:
KORO 1:
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo.
Tanda ng bawat pusong, 'pagkat inibig Mo.
Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo.
VERSE 1:
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay Mo.
At alak na nagmuha sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.
VERSE 2:
Lahat ng mga lungkot, ligaya't pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko'ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa 'Yo.
VERSE 3:
Ang bayang inibig Mo, ngayo'y umaawit,
Sa 'Yo ay sumasamba't nananalig,
Umaasang diringgin ang bawat dalanging
Sa alay na ito'y nakalakip.
KORO 2:
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo.
Tanda ng bawat pusong, 'pagkat inibig Mo.
Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo.
KODA:
Ngayo'y nananalig (umaasa),
Dumudulog (sumasamba),
Umaawit (nagmamahal) sa 'Yo.