Intro:
Paglamig ng hanging hatid ng Pasko
Nanana-riwa sa 'king gunita
Ang mga nagdaan nating Pasko,
Ang noche buena't simbang-gabi.
Narito na ang Pasko,
At nangungulilang puso ko
Hanap-hanap pinapangarap,
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang,
Sa sabsaban no'ng unang Pasko.
Sa pag-awit muli ng himig Pasko,
Nagli--liyab sa paghahangad,
Makapiling kayo sa gabi ng Pasko,
Sa ala-ala magkasama tayo.