Вступление
Intro:
1. Ang sinumang sa Aki’y mananahan,
Mananahan din Ako sa kanya.
At kung siya’y mamunga nang masagana
S’ya sa Ama’y nagbigay ng karangalan
Koro 1:
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan,
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili
n’yang buhay, Walang hihigit
sa yaring pag-aalay.
2. Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama
Sa inyo’y Aking ipinadarama.
Sa pag-ibig Ko kayo sana ay Manahan,
At bilin Ko na kayo ay magmahalan.
Koro 1:
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan,
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili
n’yang buhay, Walang hihigit
sa yaring pag-aalay.
3. Pinili ka’t hinirang upang mahalin
Nang mamunga’t bunga mo’y panatilihin
Humayo ka’t mamunga ng masagana.
Kagalakang walang hanggang ipamamana
Koro 3:
Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan,
Hinango sa dilim at kababaan.
Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili
n’yang buhay, Walang hihigit
sa yaring pag-aalay.