Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan
at walang katapusang
sangkatauhang pag-aalay
Iniaalay ko ang aking sarili
sa bawat araw ng aking buhay
at sa bawat sandali ng bawat araw
ayon sa 'Yong pinaka-banal
at kagalang-galang na kalooban
Ikaw ang naging alay
para sa 'king kaligtasan
Nais kong ako'y maging
alay ng 'Yong pag-ibig
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog
Malugod Mong pakinggan
aking hinaing
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig
ako mamatay
Itulot Mong ang huling pintig
ng aking puso ay maging tanda
ng isang wagas na pag-ibig,
sa isang wagas na pag-ibig