Intro:
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil sa dakila Mong
kaluwalhatian.
Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo,
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan.
Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, -men,
Amen, -men, --men.