gGuitarama
Рекламаad-slot:header
Тон
0
Прокрутка
Шрифт
Вид аккордов
Intro:
Verse 1:
Sa mahinahong paalam ng araw,
sa pag-ihip ng hanging kahapunan
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig
sa dapithapong kay lamig
Verse 2:
Mga bituin kay agang magsigising.
Umaandap, mapaglaro man di-n
Iyong ngiti'y hatid nila sa akin
sa diwa ko't panalangin
Koro:
Puso ko'y pahimlayin, Inay,
upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
halik ng 'yong Anak
Ay! Irog kong Inay
Verse 3:
Sa palad n'yo itago aking palad.
Aking bakas sa inyong bakas ilapat
At iuwi sa tahan kong dapat
sa piling ng inyong Anak
Koro:
Puso ko'y pahimlayin, Inay,
upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping
halik ng 'yong Anak
Ay! Irog kong Inay
Koda:
Puso ko'y pahimlayin Inay
Upang yaring hamog ng gabing tiwasay
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak
Ay! Irog ko, О Ina kong mahal
Ay! Irog kong Inay
Outro: /

Видео

Смотреть на YouTube

Видео для этой песни пока не подобрано.