Вступление
Intro:
CHORUS:
Bayan, umawit ng papuri
sapagkat ngayon ika'y pinili
Iisang bayan, iisang lipi
Iisang Diyos, iisang hari,
Bayan, umawit ng papuri,
Bayan, umawit ng papuri.
VERSE:
Mula sa ilang ay tinawag ng D'yos,
Bayang lagalag, inangkin ng lubos,
'Pagkat kailanma'y 'di pababaya-an,
minamahal N'yang kawan.
VERSE:
Panginoong ating Manliligtas,
sa kagipitan, Siya'ng tanging lakas,
'Pagkat sumpa N'ya'y laging iingatan,
Minamahal N'yang Bayan.