Intro:
I
Lagi kitang naiisip, maging sa aking panaginip
Ninanais na makita at makausap kahit saglit
Refrain:
Umaasa na palaging
Yakap at kapiling kita...
Chorus 1:
'Di mo ba alam na ikaw ang pangarap ko
Damdamin ko ay 'di magbabago
'Di ko kayang limutin ang tulad mo
Sana ay malaman mo ito
'Di mo ba alam na ikaw lang sa puso ko
Lahat gagawin kung para sa 'yo
Paglimot ay wala sa isipan ko
Basta't ako ay maghihintay
Kung para sa 'yo
II
Kapag ikaw ay kasama, langit sa puso ang nadarama
At tunay na kay ligaya ang sandali kung mayayakap ka
(Repeat refrain and chorus)
Chorus 2:
'Di mo ba alam na ikaw ang pangarap ko
Damdamin ko ay 'di magbabago
'Di ko kayang limutin ang tulad mo
Sana ay malaman mo ito
'Di mo ba alam na ikaw lang sa puso ko
Lahat gagawin kung para sa 'yo
Paglimot ay wala sa isipan ko
Basta't ako ay maghihintay
Kung para sa 'yo
Kung para sa 'yo