Вступление
"PANGINOON KAY BUTI MO"
By: WAlton Cerrudo
ASOPTV 2014
[INTRO]
[VERSE 1]
Wala nang ibang panginoon
sa buhay ko ngayon
Kundi Ikaw lamang, Hesus,
sa habang panahon
[VESRE 2]
‘Pagkat Ikaw ang nagbigay-kabuluhan
sa ‘king buhay
sa tulad ko, Panginoon, dakila Kang tunay
[PRE-CHORUS I]
Inari Mo ang sala ko
hirap at dusa’y tiniis Mo
hanggang kamatayan pinaglaban Mo ako
[CHORUS 1]
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo
[VERSE 3]
Laging nasa puso ko mga dakilang gawa Mo
nagbigay-daan upang Ika’y paglingkuran
[PRE-CHORUS II]
Nilingap Mo ang tulad ko
Panginoon, kay buti Mo
Ikaw ang dahilan kaya’t ako’y naririto
[CHORUS 2]
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo
[BRIDGE]
Sa landas na tatahakin ko
Panginoon, nawa ako’y samahan Mo
[CHORUS 3]
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo
[CHORUS 4]
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
ang tulad ko’y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya’t aking inaalay ang pagpuri’t pagsamba
ang buhay ko’y tanging sa ‘Yo
Pagsamba ko’y alay sa ‘Yo
Panginoon, kay buti Mo