chords by: aiLiriaici
Intro:
Nilibot na ang buong mundo
Di pa rin ako nakukuntento
Makakahanap ng ipapalit
Nang walang babala
Lumipas ay nagbabalik pala
Nalilito na ako hindi na dapat gan'to
Nakaraan ay natapos at napagdaanan na
Bakit nasisindak pa sa t'wing naaalala
Matatauhan na wala ka na pala
Chorus:
Ako sila'y nandito na
Ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim ba't di na lang lumutang
Anong pait ang matamis at aking susubukan
Anong silbi ng narito
'Di mo na kailangan
Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to
Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo
Titigan ay bumibigay ako
Damdamin ay kay bigat
Naisip na ang lahat
Wala na ba talaga akong magagawa pa
(Repeat Chorus)
Bridge
Wala na bang makapapantay
at di na ba dapat pang maghintay
Ako lang ba ang nagkasala?
Kumakapit sa natitirang sana
Kung babalik ka pa hanggang kailan kaya?
Ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang
Ang kulang ay mapupunan wala nang makahahadlang
Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko
Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo?
(Repeat Fm7-G-Em-Am pattern)
Oh sana
Kay higpit ng kapit
sa unang katabi ko
Oh sana
Inaasam muling makatabi
at mahalik sana
=============================================================================
PLEASE DON'T HATE ME ^^
ailiriaici@yahoo.com