Вступление
[Intro]
[Verse 1]
Kung ako ay iyong iwan, sana’y hindi manghinayang dahil
Dulot ko ay kalungkutan, darami lang ang ‘yong iisipin
Kung ikaw ay may kailangan, sanay ‘wag na ‘kong lapitan dahil
Ayaw ko lang na hayaang, mailagay ka sa alanganin
[Chorus]
‘Wag nang magpapagambala sa mga nabuong kabanata
Namnamin mo ang paglaya, tanggalin ang ‘yong pagkabahala
[Interlude]
[Verse 2]
Kahit na ang kahinaan ay ang ‘yong labing nakakagigil
Dapat ko lang na iwasan, sisimulang ‘di mag-paalipin
Kahit ipinaglalaban mo ang pag-ibig na ‘di matigil
Pilit kong tatalikuran ang libu-libong pangako natin

[Outro]