Intro: }x4
Verse 1:
Lagi nalang ganito
Isipan ay gulong gulo
lagi nalang nabibigo
Ngunit ikaw parin sigaw ng puso
Refrain:
Ilang liham na ang sinulat sayo?
Ilang luha na rin ang natuyo?
Chorus:
Kailan kaya muling makakatawang
hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?
Verse 2:
Kung anuman ang totoo
Isip man ay litong lito
Handang handa ako sumalo
Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
Refrain:
Ilang awit na ang inalay sayo
Ilang luha na rin ang natuyo
Chorus:
Kailan kaya muling makakatawang
Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
Kailan kaya muling makakamit
Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
Kailan? Kailan? Kailan?
Kailan ang dating...
Outro:
Kailan kaya muling matatamasa?
Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
Kailan kaya muling mararanasan?
Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala