Intro: - - -
Kapeng aking tinitimpla
Lagi ngayong lumalamig
Di ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa 'ki'y nakatitig
Ako't siya'y naghihintay
-
Masagi ng iyong bibig
Buhok na mahaba, iniingat-ingatan mo
Noong isang linggo'y pinaputulan mo ito
Marahil ay pagod lamang ang aking isipan
At di ko napansin at hindi tinutulan
Chorus:
Huwag kang mag-alala, di ako iiyak
Di magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan na nating dinanas
- - -
Sa tulad kong putik, tama na at sapat
Pintong dati-rati'y bukas sa aking pagdating
+M7
Ngayo'y nakasara at panangga sa hangin
Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin
Kahit mahina pa, sana ay 'yong sagutin
Kay linis ng silid, walang nakakalat
Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap
Sanggol na nasanay, nasanay sa ama
Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa
(Repeat Chorus except last word)
-7
... sapat
(Repeat Chorus)
- - -
Sa tulad kong putik, tama na at sapat. Ooh hooh...