Intro: - - (3x) pause
Nandidito kami ngayon
Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod ng kayod hanggang sa mapagod
Maagapan ang natatanaw
Paminsan-minsan ay naglalaro
Pag-ibig lang ang di ginagawang biro
Kung sa tuksuhan lang hindi pahuhuli
Kinabukasan ay tinatabi
Paminsan-minsan ay nabibigo
Sakit sa puso ay hindi maitago
Ngunit tuloy pa rin hindi pinapansin
pause
Ang kabuhayan ang intindihin
Interlude:
Chorus 1:
Blue jeans, alam mo ba ano ang ibig sabihin
Ng ating pagsisikap sa iskwela
Blue jeans, di na lang iwanan ang pag-aaral
At sama-sama tayong magsaya
Ngunit ang kabataan daw ay kayamanan
Huwag daw basta't itapon at pabayaan
Kaya magsikap tayo habang may panahon pa
Mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan
Chorus 2:
Blue jeans, sige sige sige kayod sa iskwela
At balang araw makikita n'yo
Blue jeans, pagkatapos ng iyong paghihirap
Di ka rin makakahanap ng trabaho
Sino ba silang nagmamarunong sa buhay
Huwag sana silang makialam sa 'king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa eskwela
Huwag ng isipin at baka mangamba ka pa
Bridge:
Kay tagal-tagal ko ng nag-aaral
Tingnan mo kupas na ang aking maong, yeah!
Kung akala mo ako ay natuto na, hindi pa rin
Kay tagal-tagal ko ng nag-aaral
Tingnan mo kupas na ang aking maong, yeah!
Kung akala mo ako ay natuto na, hindi pa rin
(Repeat Chorus2 moving chords 1 step higher)
Adlib:
Blue jeans (4x)

Coda:
Blue jeans (4x)