Paggising sa umaga kay ganda, kay ganda
Kay ganda ng mundong ginawa Niya
Ngayon lang nakita ang ganda ng mundo
Salamat sa Dios at ako’y binago
Nang tanggapin ko si Jesus aking Dios
Nagbago ang lahat sa buhay ko
Bagong ligaya ang nadarama
Bagong pag-asa ang nakikita
CHORUS:
Lahat, lahat ay aking ibibigay
Ibibigay pati aking buhay
Upang purihin sya
Nag-uumapaw ang aking saya
Pagmamahal Niya ang nadarama
Kay ganda ng buhay na nasa Kanya
Purihin ang Dios, purihin Siya!