Intro: - - -
Malayo pa ang umaga
Kahit sa dilim naghihintay pa rin
Umaasang bukas ay may liwanag
Sa aking buhay umaga ko'y aking hinihintay.
Sadya kayang ang buhay sa mundo
Ay kay pait, walang kasing lupit?
Kailan kaya ako'y 'di na luluha?
At ang aking pangarap ay unti-unting matutupad.
Malayo pa ang umaga,
'Di matanaw ang pag-asa
Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko?
At sa dilim hinahanap
Ang pag-asa na walang landas
-
Kailan ba darating ang bukas para sa 'kin?
Malayo pa ang umaga,
'Di matanaw ang pag-asa
Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko?
At sa dilim hinahanap
Ang pag-asa na walang landas
-
Kailan ba darating ang bukas para sa 'kin?
- -
Malayo pa ang umaga.