VERSE:
Kung mayroon lamang akong isang libong buhay
Hindi ‘pagkakait lahat sa Iyo’y ibibigay
Gayon pa man sa akin nag-iisang taglay
Ilalaan bawat saglit
Upang ibigin Ka ng walang humpay
CHORUS:
Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon
Puso ko ay sa ‘Yo magmamahal sa habang panahon
Natatanging kayamanan ko’y ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta’y iyong dinggin
[D] [G] - [D]
Kalakip ng awitin