Verse 1:
Naalala ko pa
Nung nililigawan pa
Lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang yong
Mga ngiti
At Ikay sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating
Tagpuan
Verse 2:
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga
Himig mo
Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sayo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
CHORUS:
Kung inaakala mo
Ang pag–ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo nako marinig
Ikaw parin ang buhay ko
– – –
Huhuhow yeah
Verse 3:
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid,susundin
Kahit mga bituin aking susungkititn
CHORUS:
Kung inaakala mo
Ang pag–ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo nako marinig
Ikaw parin...
Araw–araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kung inaakala mo
Ang pag–ibig koy magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka ng huminga
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw parin ang buhay ko