cast_iel@yahoo.com
Title: Ngayong Gabi
Artist: Jeans
Verse:
Di masabi kung ano ang nasa isipan
di malaman kung ano ang nararamdaman
sa aking isip ang daming katanungan
(2x)
bakit mo ako biglang nilisan
Kay daming alaalang nagliliparan
kaligayahang tila walang katapusan
(2x)
bakit ngayong gabi mag-isa sa higaan
Chorus:
Maaari bang humiram
isang gabi sa iyong tagiliran
upang akin lang malaman
dahilan ng iyong paglisan
pagkat ngayong gabi ako’y luhaan
[repeat chorus]
Verse:
Ito ba ay bunga ng kamalian
pag-ibig ko nga ba’y nakulangan
sana ngayong gabi ay iyong malaman
(2x)
sa puso mo sinta aking daungan
Maaari bang humiram
isang gabi sa iyong tagiliran
(2x)
pagkat ngayong gabi ako’y luhaan