Вступление
[Intro]
Lilipas din ang ulan, ah-ah-ah
Sisikat din ang araw, ah-ah-ah
Gagaan ang pakiramdam, sasayaw, sisigaw
Sa gitna ng daan
[Verse 1]
'Di na naman mapakali ang
Sarili sa kaiisip ng
"Paano na 'to?
Paano ako makakahinga?" Ah-ah-ah-ah
Kung laging araw at gabing lagalag
Ang pusong 'di mahanap ang uuwian
May ulap pa rin at mga bituin
Sila ang daan
[Verse 2]
Ang alimuom, 'di magtatagal
Maitatapak na ang paa
Halik ng hangin sa aking pisngi
Mararamdaman muli
At ang kislap ng mga mata
Ay magbabalik din
Bigat ng dibdib, mawawala
Ah-ah-ah, ah-ah-ah
[Chorus]
Lilipas din ang ulan, ah-ah-ah
Sisikat din ang araw, ah-ah-ah
Gagaan ang pakiramdam, sasayaw, sisigaw
Sa gitna ng daan
Lilipas din ang ulan, ah-ah-ah
Sisikat din ang araw, ah-ah-ah
Gagaan ang pakiramdam, sasayaw, sisigaw
Sa gitna ng daan