gGuitarama
H

Huling Uyayi Ko Sinta

MyTabs · Аккорды
Рекламаad-slot:header
Тон
0
Прокрутка
Шрифт
Вид аккордов
Вступление
[Intro]
[Verse]
Alam mo bang minamasdan ka 'pag hindi ako makatulog
Minamasdan ang 'yong mukha, kahit himbing anong ganda
Wala namang nagbabago, ikaw pa rin ang mahal ko
Hindi naman itinatago pa ang totoo.
Alam mo bang tanda ko pa 'nung una tayo na magkita
Naaapuhap sa'yong mata, larawan nating magkasama
[Refrain]
Kahit 'di mo sabihin, kahit 'di ko aminin
Alam ko na alam mo rin na tayo sa huli
[Chorus]
At kahit masungit man ang panahon
Kahit pigilin ng pagkakataon
Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan
Nandito ka, nag-iisa
[Verse]
Alam mo bang 'di imposible kung susukatin ang pagitan
Kung maaaring matulog na lang, at magkasama habang buhay
Wala pa ring binabago, matibay ang ating pangako
Bangungot ang hindi na masilayan kang muli
[Chorus]
At kahit masungit man ang panahon
Kahit pigilin ng pagkakataon
Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan
Nandito ka, nag-iisa
[Instrumental]
[Bridge]
Sinta, ikaw lang ang inibig kong gan'to
Sa buong buhay ko'y nais na kasama ka
Kaya naman nangungulila dahil ikaw ay nakatulog
Habang ako ay nagkukuwento, pano mo 'ko napusuan
Lungkot ang nadarama
Sana ay kapiling pa kita
Sinta, pumuti man ang mahaba mong buhok
Kumulubot man ang balat at manghina na nag tuhod
'di ako magbabago 'yan ang pangako sa iyo
Habang ako ay nandirito, 'di aalis sa tabi mo
Malabo na'ng aking mata
Malapit na't magkakasama na
[Refrain]
Sa muli mong paggising, tayo'y muling magkapiling
Walang hanggang masasabik sa init ng halik
[Chorus]
At kahit masungit man ang panahon
Kahit pigilin ng pagkakataon
Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan
Nandito ka, nag-iisa
At kahit masungit man ang panahon
Kahit pigilin ng pagkakataon
Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan.......
[Outro]
At kahit sa huling pag-awit ko'y malaman mo.....
Nandito ka, nag-iisa

Видео

Смотреть на YouTube

Видео для этой песни пока не подобрано.