Intro:
Chorus:
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka, isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala
Na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo
pause break break
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Minsan sa isang lugar sa Maynila
Maraming nangyayari ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat animo'y kagat-kagat
Kahit itago'y di mo pwedeng pigilin ang alamat
Na umusbong, kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag, walang tanong ay kitilan
Ng buhay, hukay, nuha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay kailangan magbigay pugay
Sa kung sino ang lamang, mga bitukang halang
At kung wala kang alam ay yumuko ka na lang
Hanggang sa may nagpasya na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadenang na siyang gumagapos
Sa kwento na mas astig pag sa bagong tahi na lonta
Sabay-sabay natin awitin ng tabing na tolda
Chorus
Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y tumawag
Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang siya pinatatamasa
Lahat sila'y takot, nakakapaso ang iyong galit
Mga bakal na may nagbabagang tingga, papalit-palit
Sa hangin na masangsang nakakapanghina ang nana
At hindi mo matanggal na parang bang sima ng pana
Na nakulawit, subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang siyang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sino man
Ngunit ng dumating ang araw na gusto na niyang talikuran
Ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga, tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon alam n'yo na ang kwento ni Asiong Salonga
Chorus except last word
- - - -
...Tondo