Вступление
"IKAW ANG TANGI KONG MINAMAHAL"
ASOPTV 2014
Composer:Ralph Lauren Refil
Interpreter: Gail Blanco
[Intro]
[Verse 1]
Naririto abang alipin Mo
Dumaraing sa ‘Yo’t nagsusumamo
Hawakan Mo nang mahigpit
Ang aking mga kamay
Nang h’wag nang mawalay pa sa ‘Yong piling
[Pre-Chorus 1]
Sa tulong Mo lahat makakaya
Pag-uusig na aking binabata
Ikaw ay pag-ibig
[Chorus 1]
Ikaw Ama ang tangi kong minamahal
Hinding-hindi magbabago kailan pa man
Buong kagalaka’y aawit sa ‘Yo
Nawa’y laging samahan Mo
Nang makarating sa bayang
paraiso Mo
[Verse 2]
Salamat po sa mga pagliligtas
Sa bawat sandali lagi Kang naririyan
Nililinis aking kasalanan
Iyong kinahahabagan
Binibigyang-karapatan sa ‘Yong bayan
[Pre-Chorus 2]
Sa tulong Mo lahat makakaya
Magtitiwala lang sa ‘Yong magagawa
Ikaw ay pag-ibig
[Chorus 2]
Ikaw Ama ang tangi kong minamahal
Hinding-hindi magbabago kailan pa man
Buong kagalaka’y aawit sa ‘Yo
Nawa’y laging samahan Mo
Nang makarating sa bayang
paraiso Mo
[Bridge]
Biyaya Mo’y sapat sa aking puso
Upang matamo pangakong paraiso
[Chorus 3]
Ikaw Ama ang tangi kong minamahal
Hinding-hindi magbabago kailan pa man
Buong kagalaka’y aawit sa ‘Yo
Nawa’y laging samahan Mo
Nang makarating sa bayang
paraiso Mo