Вступление
[Intro]
[Verse 1]
Ayaw pang matulog ng gabi
Sa kama kong walang silbi
Ang umaga’y para bang
kay layo-layo pa
Bumabagal ang ikot ng mundo
Habang bumibilis naman ang takbo
Ng utak kong gumugulong-gulong
[Chorus]
Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig
Maligalig
[Verse 2]
Utak ko’y parang sampung tv
Iba’t-ibang istasyon na tabi-tabi
Ako'y drama at comedy
Ako'y araw at gabi
Kumakanta’t umiindak
May ma-alala lang biglang iiyak
Parang na papagod na ko sa mundo
[Chorus]
Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig
Maligalig
[Outro]
Dahil ang tanging nais lamang
Ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang
Ay mapakali
Dahil ang tanging nais lamang
Dahil ang tanging nais lamang